Biyernes, Oktubre 7, 2011

I LOVE BINHI

MAYTUNGKULIN ka sa Kapisanang BINHI kung ..
.. lagi kayong nagka-cram sa paggawa ng mga gagamitin para sa isang Aktibidad.
.. pinagpupuyatan nyo ang isang Aktibidad.
.. laging napapagsabihan na sundin ang curfew na hanggang 9PM lang.
.. damang-dama mo ang pressure sa lahat ng aktibidad
.. naranasan mong magdalaw ng mga sakop nyo na malalayo ang bahay
.. kilalang kilala mo na ang mga MAYTUNGKULIN na laging nandyan para sa Kapisanan.
        Hayy.. yan lahat. Lahat ng dahilan kung bakit buong buhay ko nasa Kapisanang BINHI:) Eh kasi naman, sa kabila ng katakot takot na presure na madadama mo, puyat dahil sa isang aktibidad at paggastos ng baon mo,.. lahat yan mawawala, after mong makita kung gano kasaya ang mga sakop nyo sa lahat ng bagay na ginawa nyo. Yung tipong, pag nag.smile sila .. Alam mo nang nag thank you sila.
     SAYANG nga lang. Kasi when you reach 18, you’re no longer a BINHI. KADIWA ka na. On the 14th of October, i’m turning 17 years old. Meaning to say, ONE year na lang ako sa Kapisanang mahal ko. So i’ll do my best, bago ko ipasa sa iba ang pagiging KALIHIM NG KAPISANANG BINHI.
     BAKIT KA MAYTUNGKULIN ?
         Ako ? Seriously, I also don’t know. Basta ang alam ko simula nung Bautismuhan ako, tuwing Saturday na lang lagi akong dinadalaw ng mga MT. They keep asking me to be with them. Eh, during that time, im a shy girl (LOL. As if now, hindi na), so i don’t want to join them because i’m afraid to feel OP. Eh kasi naman eh, everytime magdadalaw sila, they look so happy. Kahit na may inngit ako sa kanila, kasi they’re so close to each other, ayoko pa rin talagang  maging MT. So when they make kulit on me na kumuha na nga ng tungkulin, I keep telling them na , ” eh kasi po MT na rin ako sa PNK eh, yun na lang daw po muna tungkulin ko sabi ni mama”. So every saturday ganyan, until nagsawa na ata sila. One time, I attended Bible study, eh nandun si Kuya JanJan, the president of our organization during that time. Eh they’re going to have a caucus pala. Emma, my friend, is already MT na in Purok. So sabi ni Kuya, pasok na rin ako sa loob. Eh ayoko talaga so hinila nya talaga ko just to go inside (SEE?! That’s how mean my kuya is:P).
          Everything starts there.
   I found it enjoying. So yun,.. na over ata. I’ve been a Purok Leader, almost two or three months, after that nilipat akong Purok, mga two months ako dun, then.. I was trained to be the Future Kalihim.
        JANUARY 2, 2011, Saturday at Templo Central, Quezon City
    Memorable Day. Nanumpa ako as KALIHIM NG KAPISANAN, together with the new line up ng mga MT.
    Until now, we’re still together. Still helping each other to work things out. Sa kabila ng sobrang dami ng Aktibidad, kami kami pa rin ang nagdadamayan. Though may MT na hindi masyadong dama, so far kaya namin tatlong ExeComm kasama ang mga Pamunuan:)
         RECENTLY.. the last activity we held the BIGKASiglahan proved once again, that WE CAN.With the Help of God, we got the second place.
Salamat din ng marami sa lahat lahat ng tumulong sa amin para makumpleto namen ung mga sasali. Sa mga Ate at Kuya namin sa Kadiwa, na lagi kaming tinutulungan sa lahat. Pati syempre sa nagturo sa ‘men:)
   Another motivation para sa aming mga MT na lalo pang, pagtalagahan ang tungkulin.
   Kahit kailan hindi naging kalugihan ang pagsasakripisyo para sa tungkulin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento